Tuesday, July 30, 2013

Reklamador ng Bayan...



Reklamo dito, reklamo doon. Yan ang PINOY!
                Mahilig tayong magreklamo kapag ayaw natin ang nangyayari sa atin o sa paligid natin. Nagrereklamo pa nga tayo kahit wala naman dapat tayong pakialam sa isang tao o bagay. ang pinaka award winning na reklamo natin ay goes to……. GOBYERNO.
                Nagtataka ako kung bakit halos lahat ng tao naiinis o nagagalit sa Gobyerno. Dahil ba hindi natin nakikita ang mga pangako nila, dahil ba ang bagal ng pag-aayos nila sa Pilipinas o dahil ba iniisip natin na kinukurakot ng mga nakaupo ang lahat ng pera ng bansa natin?
                Bilang mamamayan ng bansang Pilipinas, “dapat may pakialam ka” ika nga ni Ted Failon sa tv show nyang ‘Failon Ngayon’. Pero hindi porket sinabing ‘dapat may pakialam ka’, lahat pakikialaman mo pati yung pribadong buhay ng nakaupo, uusigin mo. May karapatan din silang magreklamo sating mga pinagsisilbihan nila.
                Siguro naman, ginagawa nilang lahat ng makakaya nila para matupad ang mga pangako nila sa atin. Hindi naman sila maglalakas loob na tumakbo sa posisyon sa gobyerno kung wala silang maipagmamalaki,diba? O susuportahan ng mga supporters nila dahil lang sa pera? Hindi naman tayo bobo ang mga pilipino na dahil lang sa suhol, iboboto agad nila yung tao. Siguro nga may ilan na ganun, pero naniniwala ako na mas maraming matalinong Pilipino.
                Isa pa, reklamo tayo ng reklamo dahil hindi ramdam ang pag-unlad, ang tanong, nakikicooperate ba tayo sa mga gusto nilang mangyari o proseso ng mga pangako nila? Hindi diba? Kasi inuuna nating magreklamo. Hindi tayo nakikisama para mapabilis ang pagsasaayos ng dapat ayusin dito sa bansa natin. Porket nakakaabala sa atin, hindi magandang proyekto at minsan dahil sayang sa pera ng bansa. Pag hindi naman nila ginawa dahil sa una pa lang, alam na nilang maraming maiinis sa gusto nilang mangyari, magagalit naman tayo dahil walang pinagbago ang Pilipinas sa panahon ng pamamahala nila. Siguro iniisip ng mga nakaupo na, “ano ba talaga, koya, ati?” dahil sa hindi na nila maintindihan ang gusto mangyari ng mga tao.
                Alam kong may pagka-bias na yung naiisip ko, pero diba, bigyan naman natin sila ng time at ‘benefit of the doubt’. Siguro naman hindi sila basta-basta gagawa ng aksyon na alam nating hindi maganda at hindi nakakabuti para sa lahat ng tao sa bansa natin. May karapatan tayong magreklamo pero don’t abuse the privilege.